Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Daniel 7:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 At magsasalita siya ng mga salita laban sa Kataas-taasan,+ at patuluyan niyang liligaligin ang mga banal ng Kadaki-dakilaan.+ At iisipin niyang baguhin ang mga panahon+ at kautusan,+ at ibibigay sila sa kaniyang kamay sa loob ng isang panahon, at mga panahon at kalahating panahon.+

  • Daniel 12:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At narinig ko ang lalaking nadaramtan ng lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, habang itinataas niya ang kaniyang kanang kamay at ang kaniyang kaliwang kamay sa langit at sumusumpa+ sa pamamagitan ng Isa na buháy sa panahong walang takda:+ “Iyon ay magiging sa isang takdang panahon, mga takdang panahon at kalahati.+ At kapag natapos na ang pagdurog sa kapangyarihan ng banal na bayan,+ ang lahat ng bagay na ito ay darating sa kanilang katapusan.”

  • Lucas 21:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 at sila ay mabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa;+ at ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa matupad ang mga takdang panahon+ ng mga bansa.

  • Apocalipsis 12:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ngunit ang dalawang pakpak ng malaking agila+ ay ibinigay sa babae, upang makalipad siya patungo sa ilang+ sa kaniyang dako; doon siya pinakakain+ sa loob ng isang panahon at mga panahon at kalahating panahon+ na malayo sa mukha ng serpiyente.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share