Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 25:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 At kinuha ng pinuno ng tagapagbantay ang mga lalagyan ng apoy at ang mga mangkok na yari sa tunay na ginto+ at yaong mga yari sa tunay na pilak.+

  • 2 Cronica 36:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At ang lahat ng mga kagamitan,+ malaki+ at maliit, ng bahay ng tunay na Diyos at ang kayamanan+ ng bahay ni Jehova at ang kayamanan ng hari+ at ng kaniyang mga prinsipe, ang lahat ng bagay ay dinala niya sa Babilonya.

  • Ezra 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Gayundin, inilabas ni Haring Ciro ang mga kagamitan ng bahay ni Jehova,+ na kinuha ni Nabucodonosor mula sa Jerusalem+ at pagkatapos ay inilagay sa bahay ng kaniyang diyos.+

  • Jeremias 27:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 At sa mga saserdote at sa buong bayang ito ay nagsalita ako, na sinasabi: “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nanghuhula sa inyo, na sinasabi: “Narito! Ang mga kagamitan sa bahay ni Jehova ay malapit na ngayong ibalik mula sa Babilonya!”+ Sapagkat kabulaanan ang inihuhula nila sa inyo.+

  • Jeremias 52:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At ang mga kawa+ at ang mga lalagyan ng apoy at ang mga mangkok+ at ang mga lata at ang mga kandelero+ at ang mga kopa at ang mga mangkok na yari sa tunay na ginto,+ at yaong mga yari sa tunay na pilak,+ ay kinuha ng pinuno ng tagapagbantay.+

  • Daniel 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Nang maglaon ay ibinigay ni Jehova sa kaniyang kamay si Jehoiakim na hari ng Juda+ at ang iba sa mga kagamitan+ ng bahay ng tunay na Diyos, anupat dinala niya ang mga iyon sa lupain ng Sinar+ sa bahay ng kaniyang diyos; at ang mga kagamitan ay dinala niya sa imbakang-yaman ng kaniyang diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share