-
Isaias 14:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 At kukunin nga sila ng mga bayan at dadalhin sila sa kanilang sariling dako, at kukunin sila ng sambahayan ng Israel bilang kanilang pag-aari sa lupain ni Jehova bilang mga alilang lalaki at bilang mga alilang babae;+ at sila ang magiging mga mambibihag+ niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag, at pamumunuan nila yaong mga sapilitang nagpapatrabaho sa kanila.+
-
-
Daniel 5:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ang hari ay sumigaw nang malakas na papasukin ang mga salamangkero, ang mga Caldeo at ang mga astrologo.+ Ang hari ay sumagot at nagsabi sa marurunong na tao ng Babilonya: “Ang sinumang tao na babasa ng sulat na ito at magpapakita sa akin ng pakahulugan nito, purpura ang idadamit sa kaniya,+ na may kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at siya ay mamamahala bilang ikatlo sa kaharian.”+
-
-
Daniel 5:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 At narinig ko may kinalaman sa iyo, na kaya mong magsabi ng mga pakahulugan+ at magkalag ng mga buhol. Ngayon, kung kaya mong basahin ang sulat at ipaalam sa akin ang pakahulugan nito, purpura ang idadamit sa iyo, na may kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay mamamahala bilang ikatlo sa kaharian.”+
-