Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 19:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At ang espiritu ng Ehipto ay matitilihan sa gitna nito,+ at guguluhin ko ang sarili nitong panukala.+ At tiyak na babaling sila sa walang-silbing mga diyos+ at sa mga engkantador at sa mga espiritista at sa mga manghuhula ng mga pangyayari.+

  • Isaias 47:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Nanghimagod ka sa karamihan ng iyong mga tagapayo. Tumayo sila ngayon at iligtas ka, ang mga mananamba ng langit, ang mga tumitingin sa mga bituin,+ yaong mga naghahayag ng kaalaman sa panahon ng mga bagong buwan may kinalaman sa mga bagay na darating sa iyo.

  • Daniel 2:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ang mga Caldeo ay sumagot sa harap ng hari, at sinabi nila: “Walang taong umiiral sa tuyong lupa ang makapagpapakita ng bagay ng hari, yamang walang dakilang hari o gobernador ang nagtanong ng bagay na gaya nito sa sinumang mahikong saserdote o salamangkero o Caldeo.

  • Daniel 2:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari at nagsabi: “Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipakikita sa hari ng marurunong na tao, ng mga salamangkero, ng mga mahikong saserdote at ng mga astrologo.+

  • Daniel 4:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Sa pagkakataong iyon ay pumasok ang mga mahikong saserdote, ang mga salamangkero, ang mga Caldeo+ at ang mga astrologo;+ at sinabi ko sa harap nila kung ano ang panaginip, ngunit ang pakahulugan nito ay hindi nila maipaalam sa akin.+

  • Daniel 5:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang hari ay sumigaw nang malakas na papasukin ang mga salamangkero, ang mga Caldeo at ang mga astrologo.+ Ang hari ay sumagot at nagsabi sa marurunong na tao ng Babilonya: “Ang sinumang tao na babasa ng sulat na ito at magpapakita sa akin ng pakahulugan nito, purpura ang idadamit sa kaniya,+ na may kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at siya ay mamamahala bilang ikatlo sa kaharian.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share