Kawikaan 15:8 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 8 Ang hain ng mga balakyot ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.+ Kawikaan 15:29 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 29 Si Jehova ay malayo sa mga balakyot,+ ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay dinirinig niya.+ Daniel 9:23 Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan 23 Sa pasimula ng iyong mga pamamanhik ay isang salita ang lumabas, at ako ay pumarito upang mag-ulat, sapagkat ikaw ay lubhang kalugud-lugod.+ Kaya pag-isipan+ mo ang bagay na iyon, at magkaroon ka ng unawa sa bagay na nakita.
8 Ang hain ng mga balakyot ay karima-rimarim kay Jehova,+ ngunit ang panalangin ng mga matuwid ay kalugud-lugod sa kaniya.+
23 Sa pasimula ng iyong mga pamamanhik ay isang salita ang lumabas, at ako ay pumarito upang mag-ulat, sapagkat ikaw ay lubhang kalugud-lugod.+ Kaya pag-isipan+ mo ang bagay na iyon, at magkaroon ka ng unawa sa bagay na nakita.