17 Kaya lumapit siya sa tabi ng kinatatayuan ko, ngunit nang lumapit siya ay nasindak ako anupat isinubsob ko ang aking mukha. At sinabi niya sa akin: “Unawain mo,+ O anak ng tao,+ na ang pangitain ay ukol sa panahon ng kawakasan.”+
26 “At ang bagay na nakita may kinalaman sa gabi at sa umaga, na sinabi na, iyon ay totoo.+ At sa ganang iyo ay ingatan mong lihim ang pangitain, sapagkat iyon ay ukol pa sa maraming araw.”+
4 “At kung tungkol sa iyo, O Daniel, ilihim mo ang mga salita at tatakan mo ang aklat,+ hanggang sa panahon ng kawakasan.+ Marami ang magpaparoo’t parito, at ang tunay na kaalaman ay sasagana.”+