Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 14:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Walang alinlangang pinabagsak+ mo ang Edom, at itinaas ka ng iyong puso.+ Tamasahin mo ang iyong karangalan+ at manahanan ka sa iyong sariling bahay. Bakit ka nga makikipaghidwaan+ sa ilalim ng di-kaayaayang mga kalagayan+ at kailangang mabuwal, ikaw at ang Juda na kasama mo?”

  • 2 Cronica 26:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Gayunman, nang siya ay malakas na, ang kaniyang puso ay nagpalalo+ hanggang sa naging sanhi pa nga ng kapahamakan,+ anupat gumawi siya nang di-tapat laban kay Jehova na kaniyang Diyos at pumasok sa templo ni Jehova upang magsunog ng insenso sa ibabaw ng altar ng insenso.+

  • Kawikaan 16:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Ang pagmamapuri ay nauuna sa pagbagsak,+ at ang palalong espiritu bago ang pagkatisod.+

  • Ezekiel 28:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 “Anak ng tao, sabihin mo sa lider ng Tiro, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova:

      “ ‘ “Sa dahilang ang iyong puso ay nagpalalo,+ at palagi mong sinasabi, ‘Ako ay isang diyos.+ Sa upuan ng diyos ay umupo ako,+ sa kalagitnaan ng laot ng dagat,’+ gayong isa kang makalupang tao,+ at hindi isang diyos,+ at patuloy mong ginagawang gaya ng puso ng diyos ang iyong puso—

  • Daniel 5:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Ngunit nang ang kaniyang puso ay magpalalo at ang kaniyang espiritu ay magmatigas, anupat kumilos nang may kapangahasan,+ siya ay ibinaba mula sa trono ng kaniyang kaharian, at ang kaniyang dangal ay inalis sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share