Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 32:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Pagkatapos ay kinuha niya ang ginto mula sa kanilang mga kamay, at inanyuan niya iyon+ sa pamamagitan ng isang kasangkapang pang-ukit at iyon ay ginawa niyang binubong estatuwa ng isang guya.+ At pinasimulan nilang sabihin: “Ito ang iyong Diyos, O Israel, na nag-ahon sa iyo mula sa lupain ng Ehipto.”+

  • Hukom 17:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa gayon ay ibinalik niya ang pilak sa kaniyang ina, at ang kaniyang ina ay kumuha ng dalawang daang pirasong pilak at ibinigay ang mga iyon sa panday-pilak.+ At gumawa siya ng isang inukit na imahen+ at isang binubong estatuwa;+ at iyon ay inilagay sa bahay ni Mikas.

  • Isaias 46:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 May mga labis-labis na naglalabas ng ginto mula sa supot, at sa pamamagitan ng nakasabit na timbangan ay tinitimbang nila ang pilak. Umuupa sila ng isang platero, at iyon ay ginagawa niyang isang diyos.+ Nagpapatirapa sila, oo, yumuyukod sila.+

  • Oseas 8:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sila ay nagtalaga ng mga hari,+ ngunit hindi dahil sa akin. Nagtalaga sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko iyon nalaman. Ang kanilang pilak at ang kanilang ginto ay ginawa nilang mga idolo para sa kanilang sarili,+ upang sila ay malipol.+

  • Oseas 13:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At ngayon ay nagkakasala sila nang higit pa at gumagawa sa ganang kanila ng binubong estatuwa mula sa kanilang pilak,+ mga idolo ayon sa kanilang sariling unawa,+ na gawa ng mga bihasang manggagawa, lahat ng ito.+ Sa mga iyon ay sinasabi nila, ‘Halikan ng mga taong tagapaghain ang hamak na mga guya.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share