Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 54:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang lahat ng iyong mga anak+ ay magiging mga taong naturuan ni Jehova,+ at ang kapayapaan ng iyong mga anak ay sasagana.+

  • Jeremias 9:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “Kundi ang nagyayabang tungkol sa kaniyang sarili ay magyabang dahil sa mismong bagay na ito, sa pagkakaroon ng kaunawaan+ at sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa akin, na ako ay si Jehova,+ ang Isa na nagpapakita ng maibiging-kabaitan, katarungan at katuwiran sa lupa;+ sapagkat ang mga bagay na ito ay kinalulugdan ko,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Jeremias 24:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At bibigyan ko sila ng isang puso upang makilala ako,+ na ako ay si Jehova; at sila ang magiging aking bayan,+ at ako ang magiging kanilang Diyos, sapagkat manunumbalik sila sa akin nang kanilang buong puso.+

  • Jeremias 31:34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 34 “At hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyang kapatid,+ na sinasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’+ sapagkat silang lahat ay makakakilala sa akin, mula sa pinakamababa sa kanila at maging hanggang sa pinakadakila sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”+

  • Ezekiel 38:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 At tiyak na dadakilain ko ang aking sarili at pababanalin ko ang aking sarili+ at ipakikilala ko ang aking sarili sa paningin ng maraming bansa; at kanila ngang makikilala na ako ay si Jehova.’+

  • Hebreo 8:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “ ‘At hindi nila sa anumang paraan tuturuan, ng bawat isa ang kaniyang kapuwa mamamayan at ng bawat isa ang kaniyang kapatid, na sinasabi: “Kilalanin mo si Jehova!”+ Sapagkat makikilala nilang lahat ako,+ mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share