2“Hipan ninyo ang tambuli sa Sion,+ at sumigaw kayo ng hiyaw ng digmaan+ sa aking banal na bundok.+ Maligalig ang lahat ng tumatahan sa lupain;+ sapagkat ang araw ni Jehova ay dumarating,+ sapagkat iyon ay malapit na!
7 Tumahimik ka sa harap ng Soberanong Panginoong Jehova;+ sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na,+ sapagkat si Jehova ay naghanda ng isang hain;+ pinabanal+ niya ang kaniyang mga inanyayahan.
14 “Ang dakilang araw+ ni Jehova ay malapit na.+ Iyon ay malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.+ Ang ugong ng araw ni Jehova ay mapait.+ Doon ay bumubulalas ng sigaw ang isang makapangyarihang lalaki.+
2 Bago ang batas ay magsilang ng anuman,+ bago ang araw ay dumaang gaya ng ipa, bago dumating sa inyo ang nag-aapoy na galit ni Jehova,+ bago dumating sa inyo ang araw ng galit ni Jehova,+
10 Gayunman ang araw ni Jehova+ ay darating na gaya ng isang magnanakaw,+ na dito ang mga langit ay lilipas+ na may sumasagitsit na ingay,+ ngunit ang mga elemento na nag-iinit nang matindi ay mapupugnaw,+ at ang lupa+ at ang mga gawang naroroon ay mahahantad.+