28 Dahil dito ay magdadalamhati ang lupain,+ at ang langit sa itaas ay tiyak na magdidilim.+ Ito ay dahil nagsalita ako, nagsaalang-alang ako, at hindi ako nanghinayang, ni uurungan ko man iyon.+
29 “Kaagad pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na iyon ang araw ay magdidilim,+ at ang buwan+ ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at ang mga bituin ay mahuhulog mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng mga langit ay mayayanig.+
25 “Gayundin, magkakaroon ng mga tanda sa araw+ at buwan at mga bituin, at sa lupa ay panggigipuspos ng mga bansa, na hindi malaman ang gagawin dahil sa pag-ugong ng dagat+ at sa pagdaluyong nito,+
2 At binuksan niya ang hukay ng kalaliman, at mula sa hukay ay pumailanlang ang usok+ na gaya ng usok ng isang malaking hurno,+ at ang araw ay nagdilim,+ gayundin ang hangin, dahil sa usok ng hukay.