8 Sinabi niya sa iyo, O makalupang tao, kung ano ang mabuti.+ At ano ang hinihingi sa iyo ni Jehova kundi ang magsagawa ng katarungan+ at ibigin ang kabaitan+ at maging mahinhin+ sa paglakad na kasama ng iyong Diyos?+
16 Bukod diyan, huwag ninyong kalilimutan ang paggawa ng mabuti+ at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba, sapagkat sa gayong mga hain ay lubos na nalulugod ang Diyos.+