49 “Si Jehova ay magbabangon laban sa iyo ng isang bansa sa malayo,+ mula sa dulo ng lupa, na gaya ng isang agila na nananaklot,+ isang bansa na ang wika ay hindi mo mauunawaan,+
29 Nang mga araw ni Peka na hari ng Israel, si Tiglat-pileser+ na hari ng Asirya+ ay pumaroon at kinuha ang Ijon+ at ang Abel-bet-maaca+ at ang Janoa at ang Kedes+ at ang Hazor+ at ang Gilead+ at ang Galilea,+ ang buong lupain ng Neptali,+ at dinala sila sa pagkatapon sa Asirya.+
6 Nang ikasiyam na taon ni Hosea, binihag ng hari ng Asirya ang Samaria+ at pagkatapos ay dinala ang Israel sa pagkatapon+ sa Asirya at pinatahan sila sa Hala+ at sa Habor sa ilog ng Gozan+ at sa mga lunsod ng mga Medo.+
20 “Sa araw na iyon, sa pamamagitan ng isang upahang labaha sa pook ng Ilog,+ sa pamamagitan nga ng hari ng Asirya,+ ay aahitan ni Jehova ang ulo at ang balahibo ng mga paa, at aalisin nito maging ang balbas.+
4 sapagkat bago matuto ang batang lalaki na tumawag ng,+ ‘Ama ko!’ at ‘Ina ko!’ may isang magdadala ng yaman ng Damasco at ng samsam mula sa Samaria sa harap ng hari ng Asirya.”+