14 Ikaw ay matibay na matatatag sa katuwiran.+ Malalayo ka sa paniniil+—sapagkat wala kang katatakutan—at sa anumang nakasisindak, sapagkat hindi ito lalapit sa iyo.+
25 “ ‘ “At makikipagtipan ako sa kanila ng isang tipan ng kapayapaan,+ at paglalahuin ko nga sa lupain ang mapaminsalang mabangis na hayop,+ at sila ay tatahan sa ilang nang tiwasay at matutulog sa mga kagubatan.+
26 At pinagdusahan na nila ang kanilang kahihiyan+ at ang kanilang buong kawalang-katapatan na ikinilos nila laban sa akin,+ kapag nanahanan silang tiwasay sa kanilang lupa,+ na walang sinumang nagpapanginig sa kanila.+