Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue 7:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ang mga anak ni Israel ay gumawa ng kawalang-katapatan may kaugnayan sa bagay na nakatalaga sa pagkapuksa nang si Acan+ na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, ng tribo ni Juda, ay kumuha ng ilan sa bagay na nakatalaga sa pagkapuksa.+ Dahil dito ay nag-init ang galit ni Jehova laban sa mga anak ni Israel.+

  • 2 Hari 5:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 Kaya sinabi ni Naaman: “Sige, kumuha ka ng dalawang talento.” At patuloy niya siyang pinilit+ at sa gayon ay nagbalot ng dalawang talento na pilak sa dalawang supot, na may dalawang pamalit na kasuutan, at ibinigay ang mga iyon sa dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod, upang madala nila ang mga iyon sa unahan niya.

  • Kawikaan 10:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Ang kayamanan ng balakyot ay hindi mapakikinabangan,+ ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan.+

  • Amos 3:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 At hindi sila natutong gumawa ng matuwid,”+ ang sabi ni Jehova, “yaong mga nag-iimbak ng karahasan+ at pananamsam sa kanilang mga tirahang tore.” ’

  • Santiago 5:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Ang inyong ginto at pilak ay lubusang kinalawang, at ang kanilang kalawang ay magiging patotoo laban sa inyo at kakainin ang inyong mga kalamnan. Isang bagay na tulad ng apoy+ ang inyong naimbak+ sa mga huling araw.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share