-
Amos 5:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kaya nga, sa dahilang nangungubra kayo ng upa sa pagsasaka mula sa maralita, at ang mga butil na tributo ay palagi ninyong kinukuha sa kaniya;+ nagtayo kayo ng mga bahay na yari sa tinabas na bato,+ ngunit hindi ninyo patuloy na tatahanan ang mga iyon; at nagtanim kayo ng kanais-nais na mga ubasan, ngunit hindi ninyo patuloy na iinumin ang alak ng mga iyon.+
-
-
Hagai 1:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Naghasik kayo ng maraming binhi, ngunit ang ipinapasok ay kakaunti.+ May kainan, ngunit hindi hanggang sa mabusog.+ May inuman, ngunit hindi hanggang sa malango. May pagsusuot ng mga damit, ngunit walang sinumang umiinit; at siya na nagpapaupa ay nagpapaupa kapalit ng isang supot na may mga butas.’ ”+
-