13 Si Jehova ay lalabas na gaya ng isang makapangyarihang lalaki.+ Pupukaw siya ng sigasig na gaya ng isang mandirigma.+ Sisigaw siya, oo, isisigaw niya ang isang hiyaw ng digmaan;+ ipakikita niyang mas malakas siya kaysa sa kaniyang mga kaaway.+
10 Hindi sila magugutom,+ ni mauuhaw man sila,+ ni sasaktan man sila ng nakapapasong init o ng araw.+ Sapagkat ang Isa na nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+ at sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.+
12 Sapagkat lalabas kayo nang walang takot, at yayaon kayo na hindi parang tumatakas.+ Sapagkat si Jehova ay yayaon sa unahan ninyo,+ at ang Diyos ng Israel ang magiging inyong bantay sa likuran.+
14 At si Jehova ay makikita sa itaas nila, + at ang kaniyang palaso ay lalabas na parang kidlat. + At sa tambuli ay hihihip + ang Soberanong Panginoong Jehova, at tiyak na yayaon siyang kasama ng mga buhawi ng timog. +
5 At sila ay magiging gaya ng makapangyarihang mga lalaki + na yumayapak sa lusak ng mga lansangan sa pagbabaka. + At sila ay makikipagbaka, sapagkat si Jehova ay sumasakanila; + at ang mga nakasakay sa mga kabayo ay daranas ng kahihiyan. +