Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Ikinalulungkot+ ko na pinaghari ko si Saul bilang hari, sapagkat tumalikod+ siya mula sa pagsunod sa akin, at ang aking mga salita ay hindi niya tinupad.”+ At ito ay nakapipighati kay Samuel,+ at patuloy siyang dumaing kay Jehova nang buong gabi.+

  • Isaias 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa aba ng makasalanang bansa,+ ang bayan na napabibigatan ng kamalian, isang binhi na gumagawa ng kasamaan,+ mapagpahamak na mga anak!+ Iniwan nila si Jehova,+ pinakitunguhan nila nang walang galang ang Banal ng Israel,+ sila ay tumalikod.+

  • Isaias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya naman si Jehova ay hindi magsasaya sa kanilang mga kabataang lalaki,+ at sa kanilang mga batang lalaking walang ama at sa kanilang mga babaing balo ay hindi siya maaawa; sapagkat silang lahat ay mga apostata+ at mga manggagawa ng kasamaan at bawat bibig ay nagsasalita ng kahangalan. Sa lahat ng ito ay hindi pa napapawi ang kaniyang galit, kundi nakaunat pa ang kaniyang kamay.+

  • Jeremias 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 ‘sapagkat dalawang masasamang bagay ang ginawa ng aking bayan: Iniwan nila ako,+ ang bukal ng tubig na buháy,+ upang humukay para sa kanilang sarili ng mga imbakang-tubig, mga imbakang-tubig na sira, na hindi makapaglalaman ng tubig.’

  • Hebreo 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Mag-ingat kayo, mga kapatid, na baka sa paanuman ay tubuan ang sinuman sa inyo ng isang pusong balakyot na walang pananampalataya sa pamamagitan ng paglayo mula sa Diyos na buháy;+

  • Hebreo 10:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 “Ngunit ang aking matuwid ay mabubuhay dahil sa pananampalataya,”+ at, “kung uurong siya, ang aking kaluluwa ay walang kaluguran sa kaniya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share