14 Magpabanal kayo ng panahon ng pag-aayuno.+ Tumawag kayo ng isang kapita-pitagang kapulungan.+ Tipunin ninyo ang matatandang lalaki, ang lahat ng tumatahan sa lupain, sa bahay ni Jehova na inyong Diyos,+ at humingi kayo ng saklolo kay Jehova.+
16 Tipunin ninyo ang bayan. Magpabanal kayo ng isang kongregasyon.+ Pisanin ninyo ang matatandang lalaki. Tipunin ninyo ang mga bata at yaong mga sumususo sa mga suso.+ Palabasin ang kasintahang lalaki mula sa kaniyang loobang silid, at ang kasintahang babae mula sa kaniyang silid-pangkasalan.