Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 126:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 126 Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+

      Tayo ay naging tulad niyaong mga nananaginip.+

  • Jeremias 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “At titipunin ko ang nalabi sa aking mga tupa mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipinanabog,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at sila ay tiyak na magiging palaanakin at darami.+

  • Jeremias 29:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At hahayaan kong ako ay masumpungan ninyo,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At pipisanin ko ang inyong kalipunan ng mga bihag at titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mula sa lahat ng mga dako kung saan ko kayo ipinanabog,’+ ang sabi ni Jehova. ‘At ibabalik ko kayo sa dako na mula roon ay pinayaon ko kayo sa pagkatapon.’+

  • Jeremias 30:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “At ikaw naman, huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod,” ang sabi ni Jehova, “at huwag kang mangilabot, O Israel.+ Sapagkat narito, ililigtas kita mula sa malayo at ang iyong supling mula sa lupain ng kanilang pagkabihag.+ At ang Jacob ay tiyak na babalik at mapapanatag at magiging tiwasay, at walang sinumang magpapanginig.”+

  • Ezekiel 39:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Ngayon ko ibabalik ang mga nabihag sa Jacob+ at talagang kaaawaan ang buong sambahayan ng Israel;+ at ako ay magpapakita ng bukod-tanging debosyon para sa aking banal na pangalan.+

  • Amos 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At titipunin kong muli ang mga nabihag sa aking bayang Israel,+ at kanila ngang itatayo ang mga nakatiwangwang na lunsod at tatahanan ang mga iyon,+ at magtatanim sila ng mga ubasan at iinumin ang alak ng mga iyon, at gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga iyon.’+

  • Zefanias 3:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Sa panahong iyon ay papapasukin ko kayo, sa panahon nga ng pagtitipon ko sa inyo. Sapagkat gagawin ko kayong isang pangalan at isang kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, kapag ang mga nabihag sa inyo ay tinipon kong muli sa inyong paningin,” ang sabi ni Jehova.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share