-
Deuteronomio 13:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 At ang propetang iyon+ o ang mánanaginíp na iyon ng panaginip ay dapat patayin,+ sapagkat nagsalita siya ng paghihimagsik laban kay Jehova na inyong Diyos, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto at tumubos sa iyo mula sa bahay ng mga alipin, upang ilihis ka mula sa daan na iniuutos sa iyo ni Jehova na iyong Diyos na lakaran;+ at aalisin mo ang kasamaan sa gitna mo.+
-
-
Jeremias 8:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Kaya ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa ibang mga lalaki, ang kanilang mga bukid doon sa mga magmamay-ari;+ sapagkat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa ay humahanap ng di-tapat na pakinabang;+ mula sa propeta hanggang sa saserdote, ang bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan.+
-
-
Jeremias 23:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 At sa mga propeta ng Jerusalem ay nakakita ako ng mga kakila-kilabot na bagay,+ pangangalunya+ at paglakad sa kabulaanan;+ at pinalalakas nila ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan upang hindi sila manumbalik,+ bawat isa mula sa kaniyang sariling kasamaan. Sa akin ay naging tulad silang lahat ng Sodoma,+ at ang mga tumatahan sa kaniya ay tulad ng Gomorra.”+
-