31 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Lahat kayo ay matitisod may kaugnayan sa akin sa gabing ito, sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol, at ang mga tupa ng kawan ay mangangalat.’+
32 Narito! Ang oras ay dumarating, sa katunayan, dumating na nga, na pangangalatin kayo bawat isa sa kaniyang sariling bahay+ at iiwan ninyo akong mag-isa; at gayunma’y hindi ako nag-iisa, sapagkat ang Ama ay kasama ko.+