-
Isaias 33:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
20 Masdan mo ang Sion,+ ang bayan ng ating mga kapistahan!+ Makikita ng iyong sariling mga mata ang Jerusalem bilang isang tahimik na tinatahanang dako, isang tolda na hindi ililigpit ninuman.+ Hindi kailanman mabubunot ang mga pantoldang tulos nito, at walang isa man sa mga lubid nito ang mapapatid.+
-
-
Isaias 44:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang tumutupad sa panukala ng kaniyang mga mensahero;+ ang Isa na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, ‘Siya ay tatahanan,’+ at tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Sila ay muling itatayo,+ at ang kaniyang mga tiwangwang na dako ay ibabangon ko’;+
-