7 Hindi nga ba ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutóm,+ at ang dalhin mo sa iyong bahay ang mga taong napipighati at walang tahanan?+ Na kung makakita ka ng sinumang hubad ay daramtan mo siya,+ at na hindi mo pagtataguan ang iyong sariling laman?+
16 at walang sinumang tao ang pinagmalupitan niya,+ wala siyang panagot na inagaw,+ at wala siyang anumang kinuha upang nakawin;+ sa gutóm ay ibinigay niya ang kaniyang sariling tinapay,+ at ang hubad ay dinamtan niya ng kasuutan;+