Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Marcos 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Nang maglaon ay nangyaring nakahilig siya sa mesa sa bahay nito, at maraming mga maniningil ng buwis+ at mga makasalanan ang nakahilig na kasama ni Jesus at ng kaniyang mga alagad, sapagkat marami sila at nagsimula silang sumunod sa kaniya.+

  • Marcos 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngunit ang mga eskriba ng mga Pariseo, nang makita nilang kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at ng mga maniningil ng buwis, ay nagsimulang magsabi sa kaniyang mga alagad: “Kumakain ba siyang kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”+

  • Lucas 5:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Dahil dito ang mga Pariseo at ang kanilang mga eskriba ay nagsimulang bumulong sa kaniyang mga alagad, na sinasabi: “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”+

  • Lucas 7:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 Nang makita ito, ang Pariseo na nag-anyaya sa kaniya ay nagsabi sa loob niya: “Ang taong ito, kung siya nga ay propeta,+ ay makakakilala kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”+

  • Lucas 15:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dahil dito kapuwa ang mga Pariseo at mga eskriba ay patuloy na nagbubulung-bulungan, na nagsasabi: “Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan at kumakaing kasama nila.”+

  • Lucas 19:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ngunit nang makita nila ito, silang lahat ay nagbulung-bulungan,+ na sinasabi: “Pumasok siya upang makipanuluyan sa isang lalaking makasalanan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share