22 At, narito! isang babaing taga-Fenicia+ mula sa mga pook na iyon ang lumabas at sumigaw nang malakas, na nagsasabi: “Maawa ka sa akin,+ Panginoon, Anak ni David. Ang aking anak na babae ay lubhang inaalihan ng demonyo.”
17 Dahil dito ay kinailangan siyang maging tulad ng kaniyang “mga kapatid” sa lahat ng bagay,+ upang siya ay maging isang mataas na saserdote na maawain at tapat sa mga bagay na may kinalaman sa Diyos,+ upang maghandog ng pampalubag-loob+ na hain para sa mga kasalanan ng mga tao.+