14 Ngunit habang dumaraan siya, nakita niya si Levi+ na anak ni Alfeo na nakaupo sa tanggapan ng buwis, at sinabi niya rito: “Maging tagasunod kita.” At pagtindig ay sumunod ito sa kaniya.+
27 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay lumabas siya at nakita niya ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi na nakaupo sa tanggapan ng buwis, at sinabi niya rito: “Maging tagasunod kita.”+