31 At kakainin ninyo iyon sa lahat ng dako, kayo at ang inyong sambahayan, sapagkat iyon ang inyong kabayaran bilang ganti sa inyong paglilingkod sa tolda ng kapisanan.+
8 Gayundin, binigyan niya sila ng mga utos na huwag magdala ng anuman para sa paglalakbay maliban lamang sa isang baston, walang tinapay, walang supot ng pagkain,+ walang salaping tanso sa kanilang mga pamigkis na supot,+
3 at sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong magdala ng anuman para sa paglalakbay, kahit baston ni supot ng pagkain, ni tinapay ni salaping pilak; ni magkaroon man ng dalawang pang-ilalim na kasuutan.+
7 Kaya manatili kayo sa bahay na iyon,+ na kinakain at iniinom ang mga bagay na inilalaan nila,+ sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.+ Huwag kayong magpalipat-lipat sa bahay-bahay.+
18 Sapagkat ang kasulatan ay nagsasabi: “Huwag mong bubusalan ang toro kapag ito ay gumigiik ng butil”;+ gayundin: “Ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran.”+