15 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Sa Rama+ ay naririnig ang isang tinig, pagtaghoy at mapait na pagtangis;+ si Raquel+ ay tumatangis dahil sa kaniyang mga anak.+ Siya ay tumangging maaliw dahil sa kaniyang mga anak,+ sapagkat sila ay wala na.’ ”+
16 Ito ang sinabi ni Jehova: “ ‘Pigilan mo ang iyong tinig sa pagtangis, at ang iyong mga mata sa pagluha,+ sapagkat may gantimpala sa iyong gawa,’ ang sabi ni Jehova, ‘at tiyak na babalik sila mula sa lupain ng kaaway.’+