Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 16:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol.+

      Hindi mo pahihintulutang makita ng iyong matapat ang hukay.+

  • Isaias 53:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa dahilang iyan ay bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,+ at hahati-hatiin niya ang samsam kasama ng mga makapangyarihan,+ sa dahilang ibinuhos niya ang kaniyang kaluluwa hanggang sa mismong kamatayan,+ at ibinilang siyang kasama ng mga mananalansang;+ at kaniyang dinala ang kasalanan ng maraming tao,+ at para sa mga mananalansang ay namagitan siya.+

  • Mateo 17:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 23 at papatayin nila siya, at sa ikatlong araw ay ibabangon siya.”+ Dahil dito ay lubha silang napighati.+

  • Mateo 20:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 at ibibigay siya sa mga tao ng mga bansa upang gawing katatawanan at upang hagupitin at upang ibayubay,+ at sa ikatlong araw ay ibabangon siya.”+

  • Marcos 8:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Gayundin, pinasimulan niyang ituro sa kanila na ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at ng mga punong saserdote at ng mga eskriba at patayin,+ at bumangon pagkaraan ng tatlong araw.+

  • Lucas 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 kundi sinabi: “Ang Anak ng tao ay kailangang dumanas ng maraming pagdurusa at itakwil ng matatandang lalaki at mga punong saserdote at mga eskriba, at patayin,+ at sa ikatlong araw ay ibangon.”+

  • Lucas 24:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 46 at sinabi niya sa kanila: “Sa ganitong paraan ay nakasulat na ang Kristo ay magdurusa at babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw,+

  • 1 Corinto 15:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 at na inilibing siya,+ oo, na ibinangon+ siya nang ikatlong araw+ ayon sa Kasulatan;+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share