9 At siya ay nagsabi: “Yumaon ka, at sabihin mo sa bayang ito, ‘Dinggin ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo mauunawaan; at tingnan ninyo nang paulit-ulit, gayunma’y hindi ninyo malalaman.’+
21 “Pakinggan ito ngayon, O di-marunong na bayang walang puso:+ Sila ay may mga mata, ngunit hindi sila makakita;+ sila ay may mga tainga, ngunit hindi sila makarinig.+
14 at sa kanila ay natutupad ang hula ni Isaias, na nagsasabi, ‘Sa pakikinig, maririnig ninyo ngunit sa anumang paraan ay hindi makukuha ang diwa nito; at, sa pagtingin, titingin kayo ngunit sa anumang paraan ay hindi makakakita.+
40 “Binulag niya ang kanilang mga mata at pinatigas niya ang kanilang mga puso,+ upang hindi nila makita ng kanilang mga mata at makuha ng kanilang mga puso ang diwa at manumbalik at mapagaling ko nga sila.”+
26 na sinasabi, ‘Pumaroon ka sa bayang ito at sabihin mo: “Sa pakikinig ay maririnig ninyo ngunit sa anumang paraan ay hindi mauunawaan; at sa pagtingin ay titingin kayo ngunit sa anumang paraan ay hindi makakakita.+