17 Kaya sinabi niya: “Nakikita ko nga ang lahat ng mga Israelita na nangangalat+ sa mga bundok, tulad ng mga tupang walang pastol.+ At si Jehova ay nagsabi: ‘Ang mga ito ay walang mga panginoon. Pabalikin sila sa kani-kaniyang bahay nang payapa.’ ”+
6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+
5 At sa kalaunan ay nangalat sila sapagkat walang pastol,+ anupat naging pagkain sila para sa bawat mabangis na hayop sa parang, at patuloy silang nangalat.+
36 Pagkakita sa mga pulutong ay nahabag+ siya sa kanila, sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.+