-
Daniel 12:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 “At sa panahong iyon ay tatayo si Miguel,+ ang dakilang prinsipe+ na nakatayo+ alang-alang sa mga anak ng iyong bayan.+ At magkakaroon nga ng isang panahon ng kabagabagan na hindi pa nangyayari magbuhat nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon.+ At sa panahong iyon ay makatatakas ang iyong bayan,+ ang bawat isa na masumpungang nakasulat sa aklat.+
-
-
Joel 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Iyon ay araw ng kadiliman at karimlan,+ araw ng mga ulap at ng makapal na karimlan, gaya ng liwanag ng bukang-liwayway na nakalatag sa mga bundok.+
“May isang bayan na malaki at makapangyarihan;+ ang isang katulad nito ay hindi pa umiral mula noong nakalipas na panahong walang takda,+ at pagkatapos nito ay hindi na muling magkakaroon sa mga taon ng sali’t salinlahi.
-