Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 44:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat bubuhusan ko ng tubig ang nauuhaw,+ at ng mga umaagos na batis ang tuyong dako.+ Ibubuhos ko sa iyong binhi ang aking espiritu,+ at sa iyong mga inapo ang aking pagpapala.

  • Joel 2:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 “At pagkatapos nito ay mangyayari nga na ibubuhos ko ang aking espiritu+ sa bawat uri ng laman,+ at ang inyong mga anak na lalaki at ang inyong mga anak na babae+ ay tiyak na manghuhula. Kung tungkol sa inyong matatandang lalaki, mananaginip sila ng mga panaginip. Kung tungkol sa inyong mga kabataang lalaki, makakakita sila ng mga pangitain.

  • Lucas 3:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 sumagot si Juan, na sinasabi sa lahat: “Ako, sa ganang akin, ay nagbabautismo sa inyo sa tubig; ngunit ang isa na mas malakas kaysa sa akin ay dumarating, na sa sintas ng kaniyang mga sandalyas ay hindi ako nararapat magkalag.+ Babautismuhan niya kayo sa banal na espiritu at apoy.+

  • Gawa 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 at silang lahat ay napuspos ng banal na espiritu+ at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika,+ ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng espiritu upang salitain.

  • Gawa 11:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sa gayon ay naalaala ko ang pananalita ng Panginoon, kung paanong sinasabi niya noon, ‘Si Juan, sa ganang kaniya, ay nagbautismo sa tubig,+ ngunit kayo ay babautismuhan sa banal na espiritu.’+

  • 1 Corinto 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sapagkat katotohanang sa pamamagitan ng iisang espiritu ay binautismuhan+ tayong lahat tungo sa iisang katawan, mga Judio man o mga Griego, mga alipin man o malalaya, at ang ipinainom+ sa ating lahat ay iisang espiritu.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share