Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 12:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 “‘At ang araw na ito ay magsisilbing pinakaalaala sa inyo, at ipagdiriwang ninyo iyon bilang isang kapistahan para kay Jehova sa lahat ng inyong mga salinlahi. Bilang isang batas hanggang sa panahong walang takda ay dapat ninyong ipagdiwang iyon.

  • Exodo 12:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, sa kinagabihan ay kakain kayo ng mga tinapay na walang pampaalsa hanggang sa ikadalawampu’t isang araw ng buwan sa kinagabihan.+

  • Levitico 23:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “‘At sa ikalabinlimang araw ng buwang ito ay kapistahan ng mga tinapay na walang pampaalsa kay Jehova.+ Pitong araw kayong kakain ng mga tinapay na walang pampaalsa.+

  • Deuteronomio 16:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 At ihahain mo ang paskuwa kay Jehova na iyong Diyos,+ mula sa kawan at mula sa bakahan,+ sa dakong pipiliin ni Jehova upang doon patahanin ang kaniyang pangalan.+

  • Mateo 26:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Nang unang araw ng mga tinapay na walang pampaalsa+ ang mga alagad ay lumapit kay Jesus, na nagsasabi: “Saan mo ibig na maghanda kami upang makakain ka ng paskuwa?”+

  • Marcos 14:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ngayon nang unang araw ng mga tinapay na walang pampaalsa,+ kung kailan kaugalian nilang ihain ang hayop na pampaskuwa, sinabi ng kaniyang mga alagad+ sa kaniya: “Saan mo ibig na pumaroon kami at maghanda upang makakain ka ng paskuwa?”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share