Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 53:1-12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Sino ang nanampalataya sa bagay na narinig namin?+ At kung tungkol sa bisig ni Jehova,+ kanino ito naisiwalat?+ 2 At siya ay tutubo na gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap ng isa, at gaya ng isang ugat mula sa lupaing walang tubig. Wala siyang matikas na anyo, ni anumang karilagan;+ at kapag nakita namin siya, wala roon ang kaanyuan anupat siya ay nanasain namin.+

      3 Siya ay hinamak at iniwasan ng mga tao,+ isang taong nauukol sa mga kirot at sa pagkakaroon ng kabatiran sa sakit.+ At waring may pagkukubli ng mukha ng isa mula sa amin.+ Siya ay hinamak, at itinuring namin siya bilang walang halaga.+ 4 Tunay na ang aming mga sakit ang siyang dinala niya;+ at kung tungkol sa aming mga kirot, pinasan niya ang mga iyon.+ Ngunit itinuring namin siya bilang sinalot,+ sinaktan ng Diyos+ at pinighati.+ 5 Ngunit siya ay inuulos+ dahil sa aming pagsalansang;+ siya ay sinisiil dahil sa aming mga kamalian.+ Ang kaparusahang ukol sa aming kapayapaan ay sumasakaniya,+ at dahil sa kaniyang mga sugat+ ay nagkaroon ng pagpapagaling para sa amin.+ 6 Tulad ng mga tupa, kaming lahat ay naligaw;+ bumaling ang bawat isa sa amin sa kaniyang sariling daan; at pinangyari ni Jehova na ang kamalian naming lahat ay makatagpo ng isang iyon.+ 7 Siya ay ginipit,+ at hinayaan niyang pighatiin siya;+ gayunma’y hindi niya ibinubuka ang kaniyang bibig. Siya ay dinalang tulad ng isang tupa patungo sa patayan;+ at tulad ng isang tupang babae na sa harap ng kaniyang mga manggugupit ay napipi, hindi rin niya ibinubuka ang kaniyang bibig.+

      8 Dahil sa pagpigil at sa paghatol ay inalis siya;+ at sino ang magtutuon ng pansin sa mga detalye ng kaniyang salinlahi?+ Sapagkat inihiwalay+ siya mula sa lupain ng mga buháy.+ Dahil sa pagsalansang+ ng aking bayan ay natamo niya ang hampas.+ 9 At ang kaniyang dakong libingan ay gagawin niyang kasama nga ng mga balakyot,+ at kasama ng mga uring mayaman sa kaniyang kamatayan,+ bagaman wala siyang ginawang karahasan+ at walang panlilinlang sa kaniyang bibig.+

      10 Ngunit si Jehova ay nalugod na siilin siya;+ pinagkasakit niya siya.+ Kung itatalaga mo ang kaniyang kaluluwa bilang handog ukol sa pagkakasala,+ makikita niya ang kaniyang supling,+ palalawigin niya ang kaniyang mga araw,+ at sa kaniyang kamay ay magtatagumpay ang kinalulugdan+ ni Jehova.+ 11 Dahil sa kabagabagan ng kaniyang kaluluwa ay makakakita siya,+ masisiyahan siya.+ Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ang matuwid, ang aking lingkod,+ ay magdadala ng matuwid na katayuan sa maraming tao;+ at ang kanilang mga kamalian ay kaniyang papasanin.+ 12 Sa dahilang iyan ay bibigyan ko siya ng bahagi kasama ng marami,+ at hahati-hatiin niya ang samsam kasama ng mga makapangyarihan,+ sa dahilang ibinuhos niya ang kaniyang kaluluwa hanggang sa mismong kamatayan,+ at ibinilang siyang kasama ng mga mananalansang;+ at kaniyang dinala ang kasalanan ng maraming tao,+ at para sa mga mananalansang ay namagitan siya.+

  • Daniel 9:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “At pagkatapos ng animnapu’t dalawang sanlinggo ay kikitlin ang Mesiyas,+ na walang anumang bagay para sa kaniyang sarili.+

      “At ang lunsod at ang dakong banal+ ay gigibain ng bayan ng isang lider na dumarating.+ At ang kawakasan nito ay sa pamamagitan ng baha. At hanggang sa kawakasan ay magkakaroon ng digmaan; ang naipasiya ay mga pagkatiwangwang.+

  • Gawa 4:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 upang gawin ang mga bagay na patiunang itinalaga ng iyong kamay at layunin upang maganap.+

  • 1 Pedro 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Patuloy nilang sinuri kung alin ngang kapanahunan+ o kung anong uri ng kapanahunan ang ipinahihiwatig ng espiritu+ na nasa kanila may kinalaman kay Kristo+ nang ito ay nagpapatotoo nang patiuna tungkol sa mga pagdurusa para kay Kristo+ at tungkol sa mga kaluwalhatian+ na kasunod ng mga ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share