-
Lucas 13:14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Ngunit bilang tugon, ang punong opisyal ng sinagoga, palibhasa’y galít sapagkat ginawa ni Jesus ang pagpapagaling nang sabbath, ay nagsimulang magsabi sa pulutong: “May anim na araw kung kailan dapat gawin ang gawain;+ kaya nga sa mga ito ay pumarito kayo at mapagaling, at huwag sa araw ng sabbath.”+
-
-
Juan 9:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Sa gayon ang ilan sa mga Pariseo ay nagsimulang magsabi: “Hindi ito isang taong mula sa Diyos, sapagkat hindi niya tinutupad ang Sabbath.”+ Ang iba ay nagsimulang magsabi: “Paanong ang isang taong makasalanan ay makagagawa ng gayong uri ng mga tanda?”+ Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi+ sa gitna nila.
-