24 “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon; sapagkat alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa,+ o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.+
14 Kung tungkol doon sa nahulog sa gitna ng mga tinik, ito yaong mga nakarinig, ngunit, sa pagpapadala sa mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kaluguran+ sa buhay na ito, sila ay lubusang nasasakal at walang anumang dinadala sa kasakdalan.+
9 Gayunman, yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso+ at sa silo at sa maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa,+ na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak.+
10 Sapagkat pinabayaan ako ni Demas+ sa dahilang inibig niya ang kasalukuyang sistema+ ng mga bagay, at pumunta siya sa Tesalonica; si Cresente ay sa Galacia,+ si Tito ay sa Dalmacia.