Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ako, sa ganang akin, ay nagbabautismo sa inyo sa tubig+ dahil sa inyong pagsisisi;+ ngunit ang isa na dumarating+ na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, na sa kaniyang mga sandalyas ay hindi ako nararapat mag-alis.+ Babautismuhan kayo ng isang iyon sa banal na espiritu+ at sa apoy.+

  • Juan 1:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Ako man ay hindi nakakilala sa kaniya, ngunit ang mismong Isa na nagsugo sa akin+ upang magbautismo sa tubig ang nagsabi sa akin, ‘Sinuman ang makita mong babaan ng espiritu at panatilihan nito, ito ang isa na nagbabautismo sa banal na espiritu.’+

  • Gawa 1:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 sapagkat si Juan ay nagbautismo nga ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa banal na espiritu+ hindi maraming araw pagkatapos nito.”

  • Gawa 10:45
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 45 At ang mga tapat na sumama kay Pedro na kabilang sa mga tuli ay namangha, sapagkat ang walang-bayad na kaloob ng banal na espiritu ay ibinubuhos din sa mga tao ng mga bansa.+

  • Gawa 11:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sa gayon ay naalaala ko ang pananalita ng Panginoon, kung paanong sinasabi niya noon, ‘Si Juan, sa ganang kaniya, ay nagbautismo sa tubig,+ ngunit kayo ay babautismuhan sa banal na espiritu.’+

  • Gawa 19:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At nang ipatong ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay,+ ang banal na espiritu ay bumaba sa kanila, at nagsimula silang magsalita ng mga wika at manghula.+

  • 1 Corinto 12:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Sapagkat katotohanang sa pamamagitan ng iisang espiritu ay binautismuhan+ tayong lahat tungo sa iisang katawan, mga Judio man o mga Griego, mga alipin man o malalaya, at ang ipinainom+ sa ating lahat ay iisang espiritu.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share