6 Gayunman, upang malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan+—” nang magkagayon ay sinabi niya sa paralitiko: “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa iyong tahanan.”+
24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng tao ay may awtoridad sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan—” sinabi niya sa taong paralisado: “Sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka at buhatin mo ang iyong maliit na higaan at umuwi ka sa iyong tahanan.”+
7 Sa gayon ay hinawakan niya siya sa kanang kamay+ at itinindig siya. Kaagad na napatatag ang mga talampakan ng kaniyang mga paa at ang mga buto ng kaniyang mga bukung-bukong;+