-
Exodo 20:10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Ngunit ang ikapitong araw ay sabbath kay Jehova na iyong Diyos.+ Huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw ni ang iyong anak na lalaki man ni ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki ni ang iyong aliping babae ni ang iyong alagang hayop ni ang iyong naninirahang dayuhan na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan.+
-
-
Nehemias 13:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At nangyari, nang ang mga pintuang-daan ng Jerusalem ay magdilim bago ang sabbath, kaagad akong nag-utos at ang mga pinto ay pinasimulang isara.+ Sinabi ko pa na huwag nilang buksan ang mga iyon hanggang sa matapos ang sabbath; at ang ilan sa sarili kong mga tagapaglingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-daan upang walang pasanin ang makapasok kapag araw ng sabbath.+
-