-
Jeremias 31:34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
34 “At hindi na sila magtuturo pa, bawat isa ay sa kaniyang kasama at bawat isa ay sa kaniyang kapatid,+ na sinasabi, ‘Kilalanin ninyo si Jehova!’+ sapagkat silang lahat ay makakakilala sa akin, mula sa pinakamababa sa kanila at maging hanggang sa pinakadakila sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova. “Sapagkat patatawarin ko ang kanilang kamalian, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.”+
-
-
Mikas 4:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 At maraming bansa ang yayaon nga at magsasabi: “Halikayo,+ at umahon tayo sa bundok ni Jehova at sa bahay ng Diyos ni Jacob;+ at tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,+ at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+ Sapagkat mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+
-