23 Bilang sagot ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin+ niya ang aking salita, at iibigin siya ng aking Ama, at paroroon kami sa kaniya at maninirahang kasama niya.+
4 Manatili kayong kaisa ko, at ako na kaisa ninyo.+ Kung paanong ang sanga ay hindi makapamumunga sa ganang sarili malibang manatili ito sa punong ubas, sa gayunding paraan ay hindi rin naman kayo makapamumunga, malibang manatili kayong kaisa ko.+
24 Isa pa, siya na tumutupad sa kaniyang mga utos ay nananatiling kaisa niya, at siya ay kaisa ng isang iyon;+ at sa ganito natin natatamo ang kaalaman na siya ay nananatiling kaisa natin,+ dahil sa espiritu+ na ibinigay niya sa atin.