27 Ang lahat ng bagay ay ibinigay na sa akin ng aking Ama,+ at walang sinuman ang lubos na nakakakilala sa Anak kundi ang Ama,+ ni may sinumang lubos na nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang sinuman na sa kaniya ay nais ng Anak na isiwalat siya.+
22 Ang lahat ng bagay ay ibinigay+ na sa akin ng aking Ama, at kung sino ang Anak ay walang nakaaalam kundi ang Ama;+ at kung sino ang Ama ay walang nakaaalam kundi ang Anak,+ at yaong sa kaniya ay nais ng Anak na isiwalat siya.”
2 Mga minamahal, tayo ngayon ay mga anak ng Diyos,+ ngunit hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo.+ Alam natin na kailanma’t mahayag siya,+ tayo ay magiging tulad niya,+ sapagkat makikita natin siya kung ano nga siya.+