55Kayo riyan, lahat kayong nauuhaw!+ Pumarito kayo sa tubig.+ At ang mga walang salapi! Pumarito kayo, bumili kayo at kumain.+ Oo, pumarito kayo, bumili kayo ng alak+ at gatas+ kahit walang salapi at walang bayad.+
14 Ang sinumang uminom mula sa tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi na kailanman mauuhaw pa,+ kundi ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging isang bukal ng tubig+ sa kaniya na bumabalong upang magbigay ng buhay na walang hanggan.”+
35 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom pa, at siya na nananampalataya sa akin ay hindi na kailanman mauuhaw pa.+
17 At ang espiritu+ at ang kasintahang babae+ ay patuloy na nagsasabi: “Halika!” At ang sinumang nakikinig ay magsabi: “Halika!”+ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito;+ ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.+