Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 32:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  6 Kay Jehova ba kayo patuloy na gumagawa ng ganito,+

      O bayan na hangal at hindi marunong?+

      Hindi ba siya ang iyong Ama na lumikha sa iyo,+

      Siya na lumalang sa iyo at nagtatag sa iyo?+

  • Isaias 63:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Sapagkat ikaw ang aming Ama;+ bagaman hindi kami nakilala ni Abraham at hindi kami nakikilala ni Israel, ikaw, O Jehova, ang aming Ama. Aming Manunubos noong sinaunang panahon ang iyong pangalan.+

  • Isaias 64:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ngayon, O Jehova, ikaw ang aming Ama.+ Kami ang luwad,+ at ikaw ang aming Magpapalayok;+ at kaming lahat ang gawa ng iyong kamay.+

  • Malakias 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “ ‘Ang anak, sa ganang kaniya, ay nagpaparangal sa ama;+ at ang lingkod, sa kaniyang dakilang panginoon.+ Kaya kung ako ay ama,+ nasaan ang karangalang ukol sa akin?+ At kung ako ay Dakilang Panginoon, nasaan ang pagkatakot+ sa akin?’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo sa inyo, O mga saserdote na humahamak sa aking pangalan.+

      “ ‘At sinabi ninyo: “Sa anong paraan namin hinamak ang iyong pangalan?” ’

  • Malakias 2:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 “Hindi ba tayong lahat ay may iisang ama?+ Hindi ba iisang Diyos ang lumalang sa atin?+ Bakit tayo nakikitungo sa isa’t isa nang may kataksilan,+ sa paglapastangan sa tipan ng ating mga ninuno?+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share