49 At, narito! ipadadala ko sa inyo yaong ipinangako ng aking Ama. Gayunman, mamalagi kayo sa lunsod hanggang sa maramtan kayo ng kapangyarihan mula sa kaitaasan.”+
26 Kapag dumating ang katulong na ipadadala ko sa inyo mula sa Ama,+ ang espiritu ng katotohanan, na nanggagaling sa Ama, ang isang iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin;+
7 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, Para sa inyong kapakinabangan ang pag-alis ko. Sapagkat kung hindi ako aalis, ang katulong+ ay hindi sa anumang paraan darating sa inyo; ngunit kung paroroon ako, ipadadala ko siya sa inyo.
4 at silang lahat ay napuspos ng banal na espiritu+ at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika,+ ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng espiritu upang salitain.
26 Sa katulad na paraan ang espiritu+ ay sumasama rin na may tulong para sa ating kahinaan;+ sapagkat ang suliranin ng kung ano ang dapat nating ipanalangin ayon sa ating pangangailangan ay hindi natin alam,+ ngunit ang espiritu+ mismo ang nakikiusap para sa atin na may mga daing na di-mabigkas.