9 At si Josue na anak ni Nun ay puspos ng espiritu ng karunungan,+ sapagkat ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay sa kaniya;+ at ang mga anak ni Israel ay nagsimulang makinig sa kaniya at ginawa nila ang gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises.+
23 Bukod diyan, nag-atas sila ng matatandang lalaki+ para sa kanila sa bawat kongregasyon at, nang makapaghandog ng panalangin na may mga pag-aayuno,+ ipinagkatiwala nila ang mga ito kay Jehova+ na kanilang sinampalatayanan.
14 Huwag mong pababayaan ang kaloob+ na nasa iyo na ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng panghuhula+ at nang ipatong sa iyo ng lupon ng matatandang lalaki ang kanilang mga kamay.+
22 Huwag mong ipatong nang madalian ang iyong mga kamay+ sa sinumang tao;+ ni maging kabahagi man sa mga kasalanan ng iba;+ ingatan mong malinis ang iyong sarili.+
6 Sa mismong dahilang ito ay pinaaalalahanan kita na paningasing tulad ng apoy+ ang kaloob+ ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay sa iyo.+