Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 2:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Huwag kang makikipaghidwaan sa kanila, sapagkat hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain kahit ang kasinlapad man ng talampakan ng paa; sapagkat ibinigay ko kay Esau ang Bundok Seir bilang ari-arian.+

  • Deuteronomio 2:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 at lalapit ka sa harap ng mga anak ni Ammon. Huwag mo silang liligaligin o makikipaghidwaan ka man sa kanila, sapagkat hindi ko ibibigay sa iyo ang alinman sa lupain ng mga anak ni Ammon bilang ari-arian, sapagkat ibinigay ko iyon sa mga anak ni Lot bilang ari-arian.+

  • Deuteronomio 32:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 Nang ang Kataas-taasan ay magbigay ng mana sa mga bansa,+

      Nang paghiwa-hiwalayin niya ang mga anak ni Adan,+

      Itinatag niya ang hangganan ng mga bayan+

      Na isinasaalang-alang ang bilang ng mga anak ni Israel.+

  • Isaias 34:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At Siya ang nagpalabunutan para sa kanila, at ang kaniyang sariling kamay ang naghati-hati sa kanila ng dakong iyon ayon sa pising panukat.+ Hanggang sa panahong walang takda ay aariin nila iyon; sa sali’t salinlahi ay tatahan sila roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share