56 At saanman siya pumasok sa mga nayon o mga lunsod o karatig na lupain+ ay inilalagay nila sa mga pamilihan ang mga maysakit, at nakikiusap sila sa kaniya na mahipo+ nila kahit man lamang ang palawit+ ng kaniyang panlabas na kasuutan. At ang lahat ng mga humipo nito ay napagaling.+
15 anupat kanilang inilabas ang mga maysakit maging sa malalapad na daan at inilagay sila roon na nasa maliliit na higaan at mga teheras, upang, sa pagdaraan ni Pedro, kahit man lamang ang kaniyang anino ay lumilim sa sinuman sa kanila.+